Bakit lagi na lang ako ganito?
Hinihintay ang
paglapit mo
Ngunit sadyang
malupit ang mundo
Di mahawakan maski
dulo ng daliri mo.
May pag-asa pa kaya?
Na tayo’y maging iisa?
Ewan ko nga ba,
Lagi na’y ika’y
nakikita.
Ipipinta ko sa hangin
ang mukha mo,
ang maganda mong
ngiti,
Mapaghalinang mga
mata at
Malamusikang pagtawa.
Bakit? bakit? bakit?
Yan na lang lagi ang
tanong
Na umuukit at di
mawaglit sa malikot kong isip.
Sa panahong talikuran
ka nya,
Tatalikuran pa nga
ba?!
Baka malabo na… aa di
bale na.
Di ako mangangakong
maghihintay sayo,
Katulad ng isang
kwento may katapusan din ang pag aantay ko.
Sa mga susunod na
pahina masakit man
Ngunit pilit kang
buburahin sa alaala.