Tinamatad ako as in tinatamad talaga. Di ko alam if ano yung uunahin ko. Nakakapagod ng magwork pero kailangang magbanat ng buto. Minsan iniisip ko na sana naging mayaman na lang ako or di kaya manalo ako sa lotto. Yung tipong gusto kong mapanaginipan ang 6 lucky numbers na lalabas sa lotto bukas. Kapag nagbabasa ako ng blog at nakikita ko yung mga sites ng mga hinahangaan kong mga popular bloggers na may mga magagandang damit, sapatos, gadgets and etc. or kumakain ng masasarap na pagkain naiinggit talaga ako. As in para akong naglalaway na sana ako din may ganyan or sana ako din makakain ng masarap na dish na yan. Alam ko naman na masamang mainggit pero di ko mapigilan e. Tao lang talaga ako, vulnerable sa mga material na bagay dito sa mundo. Alam kong di material na bagay ang makakapagpasaya saken pero siguro di nyo rin ako masisisi kung maghangad ako ng ganun.
Wala pa kong asawa't anak. Ka’da sahod may binibigay akong budget kay mama para sa pambayad ng kuryente, tubig at pang groceries. Pinapaaral ko rin ang bunso kong kapatid sa kolehiyo. May naitatabi naman ako kaso ang mahirap lang kapag ganito ang sitwasyon mo kagaya ko is alam mo ang halaga ng sentimo ng perang pinaghirapan mo. In short nanghihinayang ako kapag nakakagastos ako ng 4,000 pesos sa isang sapatos lang or di kaya ang bill ko sa pagkain ay umabot ng 1,000 pesos. Parang ang gulo ko lang nu. Pero mahirap talagang pagkasyahin ang pera lalo na kung gusto mong magsave para sa kinabukasan mo. I mean para sa emergency funds. Naranasan na kasi naming pamilya na maubusan ng budget nung nagkasakit si mama. Ayaw ko ng mangyari yun ulit kaya sinisigurado ko talagang may natatabi ako sa sahod ko ka’da kinsenas.
Dahil sa pagsusulat ko ngayon gumagaan ang pakiramdam ko. Aminado ako na di ako magaling mag-ingles kaya siguro tagalog ang teksto ng blog ko. Paminsan, minsan siguro magko’conyo-conyohan ako pero minsan lang yun! Eto pala ang first post ko sa ngayong month. Kung madami man ang makakabasa nito sa hinaharap magpapasalamat ako pero oks lang din kung wala atleast alam kong ang aking mga hinaing or rants ko sa buhay ay ako lang ang nakakaalam. Bwahahaha.